"Okay lang ako, Enz. Enjoy kayo ng mga friends mo," sabi ko habang nakasandal ang noo ko sa headrest ng upuan sa harap ko. "Sure ka?" nag-a-alalang tanong niya sa kabilang linya. Birthday kasi ng friend niya kaya kakain sila sa labas at mag-i-inuman daw. Celebration ng mga boys, as usual. "Opo nga," tawa ko. "I can take care of myself," I assured him. "Fine," he gave in. "Text me when you're home already, okay? Pati i-send mo sa akin 'yong number ng tricycle na sasakyan mo," bilin niya pa. "Oh sige na, mamaya na lang tayo mag-usap. Baka nakakaistorbo na ako," sabi ko pa sa kanya. "Ako naman tumawag sa'yo, eh. Ba't istorbo?" sabi niya naman. "Kung pwede nga lang kitang isama rito, ginawa ko na. Kaya lang, all-boys naman kami. Baka mailang ka." Mga high school friends niya ang kasama