"Happy birthday, Aly!" salubong ng mga blockmates ko nang pumasok ako sa Psychology laboratory. May ilan ding humalik sa pisngi ko at yumakap sa akin. May dala pang cake si James at si JP naman ang nagsindi ng mga candles sa ibabaw nito. "Oh dali, mag-wish ka na!" masiglang sabi ni Mikee sa tabi ni James. Pumikit ako pero hind para humiling, gusto ko lang magpasalamat sa mga blessings na mayro'n ako ngayon at sa mga loved ones ko. "Thank you, guys!" nakangiti kong sabi nang muli kong idinilat ang mga mata ko. "Ay guys, may dala rin akong cake!" sabi ko pa sabay abot kay JP ng malaking paper bag na dala ko. "Pakitabi 'yong maliit na paper bag para kay Sir B." Nag-celebrate kasi ako sa Xela last night, surprise sa akin nina Kuya Timothy at Ate Alex. Present ang buong Pangilinan clan p