"Ano ba 'yong text mo sa akin kanina? Nag-away ba kayo ni Enz dahil do'n?" tanong sa akin ni Mama. Nagluluto siya ng dinner habang nag-la-laptop ako sa dining table namin. "Medyo," pag-amin ko. "Pero okay na kami." "Nagselos 'no?" tanong ni Mama. "Akala ko kasi hindi naman niya mamasamain, 'Nak. Kasama mo naman ang barkada mo, 'di ba? Para na kayong magkakapatid ng mga 'yon." "Ako lang mag-isa nagpunta kina Kiel, Ma..." paliwanag ko. "Kaya naman pala. Mag-a-away nga talaga kayo ni Enz," sabi naman niya. "Ano bang ginawa mo kina Kiel?" Nag-kuwento naman ako kay Mama tungkol sa mga nangyari. Nakinig naman siya habang nag-pi-prepare ng plates. "Akala ko tatanda ka talagang dalaga dahil ang kaunti ng manliligaw mo noon tapos bina-basted mo pa," tawa niya. "Sinong mag-a-akalang sa'yo rin