Lorenz Antonio Chua added a life event with you: "She finally said yes! Undeniably happier. ♥" 4 hrs. Nag-upload pa siya ng picture naming dalawa habang nasa stage kaya puno ang notifications namin ng mga comments at likes. Sinabi pa nga raw ng mommy niya na pumasyal daw ako minsan sa bahay nila at sa restaurant ng family nila. Gusto raw kasi akong makilala ng family niya. Tuwang-tuwa naman si Mama namg sinabi ko sa kanya kanina ang tungkol sa aming dalawa habang magkausap sina Papa at Enz sa labas. Hindi nila sinabi sa akin kung anong napag-usapan nila pero siguradong maraming bilin si Papa kay Enz at mga paalala tungkol sa akin. Lunod na lunod na nga sa mga bilin at paalala si Enz mula pa kanina. Sinimulan ng pinsan kong si Kuya Timothy, sina Ate Alex at Ate Julianne, sina Kuya Kael