"Aly," tawag sa akin ng best friend ko at siniko niya habang kumakain kaming ng barkada sa kusina. Sa bahay namin nag-ayang mag-celebrate si Justin dahil nasa kanila na kami noong nakaraan. Pumayag naman sina Mama't Papa kaya wala namang naging problema. "Kumusta?" tanong niya pa habang nakatingin sa bracelet na suot ko. "Alam niya?" "Hindi ko sinabi kay Enz," sagot ko sa kanya habang pinaglalaruan ko ang bracelet na ibinigay sa akin ni Kiel. "Maybe Kiel was just being friendly." Tumingin siya sa'kin na para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko. "Sinasabi mo ba 'yan dahil 'yan ang pinaniniwalaan mo o sinasabi mo 'yan para paniwalain ang sarili mo?" seryosong tanong niya sa akin. Kinuha ko na lang ang pasta para hindi niya mahalata na iniiwasan ko ang mga tingin niya. "Pwede bang 'wag