Chapter 2

1068 Words
Chapter 2 Hindi ko talaga alam kung ano ang nangyari. Bakit ako? Sa dinami-rami ng matatalino at magagaling sa school, ang isang bugok pa na katulad ko ang nakapasa sa Kaizen Academy. Kaizen Academy, paaralan ng mga estudyanteng nangunguna at may espesyal na kakayahan. Samantalang ako walang kwenta, mahina ang utak at gwapo lang pero loser pa rin. Walang kahit na anong espesyal sa akin. Tapos mapapabilang ako sa kanila? Napahinto ako sa paglalakad nang makita ang ang bakanteng duyan sa park. Pumunta ako roon at umupo. Napangiti ako sa palubog na araw at binaling ang tingin sa gintong envelope na hawak ko. Bumuntonghininga ako habang pinagmamasdan ang logo nito na Kaizen Academy. Ang dami pang nangyari bago ko ‘to nakuha. “S-seryoso ba kayo?” hindi makapaniwalang tanong ko sa lalaking na-kablack suit sa loob ng admin building. “I’m not questioning your decision but maybe there was just a small mistake?” saad ng principal na sinang-ayunan ng mga gurong nandito. “ Malaking oportunidad ang mapabilang sa Kaizen kaya mas mabuting mapunta ito sa karapat-dapat.” “There are a lot of great students here in Phoenix, they still come out in the news because of the honors they get but...” Lumingon si Ma’am sa akin at binigyan ako ng mapang insultong tingin. Napayuko na lang ako habang pinapakinggan ang mga sinasabi nila. Alam kong may punto sila pero hindi ko maiwasang masaktan. Lalong lumiliit ang tingin ko sa sarili ko dahil sa mga naririnig ko mula sa kanila. “Maaari na po ba akong magsalita?” Napatingin ako sa lalaki na nakangiti ngayon sa kanila. “Hindi po ba kayo natutuwa dahil may estudyanteng napili mula sa inyong paaralan?” Natahimik sila. “At bilang mga guro, hindi po ba dapat mayroon kayong tiwala sa inyong mag-aaral?” Tumingin sa akin ang lalaki at ngumiti. “Bawat tao ay may espesyal na katangian pero mayroon ding higit na natatangi. Isa ka na roon, Waiz Catalinuhan.” Binuksan niya ang itim na briefcase na nakapatong sa taas ng table at pinakita sa akin ang kulay gintong envelope. “Higit na natatangi... Tss, niloloko ko lang ang sarili ko, walang kahit anong natatangi sa akin.” Napatingin ako sa direksyon ng kalsada. Napansin ko ang lalaking nagbigay sa ‘kin ng envelope na papunta sa itim na kotse. Binalik ko ang tingin sa envelope na hawak ko. Kapag nasa KA na ako, masasayang lang ang oras at effort nila sa akin. Madidismaya pa sila. Sa Phoenix nga lang sakit na ng ulo ang dala ko, sa KA pa kaya kung saan naroon ang mga magagaling na estudyante. Ipapahiya ko lang ang sarili ko, mapapahiya pa sila nang dahil sa akin. Ayaw kong gumawa ng bagay na pagsisisihan nila kaya gagawa na ako ng paraan hangga’t maaga pa. Agad akong tumayo at mabilis na tumakbo papunta sa direksyon ng lalaki. Mas binilisan ko pa para makaabot. Binuksan niya ang pinto ng kotse. “Sandali sir!” Napalingon siya sa akin. Buti na lang nakaabot ako. “Sir.” Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa sobrang hingal. “Ikaw pala, Waiz,” nakangiting sabi niya. Umayos ako ng tayo at nilahad sa kanya ang gintong envelope. “Hindi ko po ‘to matatanggap.” Nagulat siya nang marinig ang sinabi ko. “Bakit?” nagtataka niyang tanong. “Alam ko pong malaking oportunidad ito para sa akin, pero alam ko po na hindi ako karapat dapat para dito, pasensya na po kayo.” Natigil siya pero pagkatapos ay nginitian niya ako. “Naiintindihan ko... Pero kung sakaling magbago ang desisyon mo, palaging nandito ang KA para sa ‘yo,” sagot niya. Ngumiti ako at tumango. ”Salamat po.” Tumalikod na ako at naglakad palayo. Nakahinga na rin ako ng maluwag sa wakas. “Hoy Waiz!” Napalingon ako sa direksyon kung saan nanggaling ang boses. Ang bwiset na si Xyrus, namumula siya sa galit. Nakakaramdam ako ng hindi maganda sa mangyayari. Lalayo sana ako pero huli na dahil nahawakan niya ako at sinundan ng sapak. Napaupo ako sa lupa at napahawak sa mukha. “Ano ba’ng problema mo?” inis kong tanong sa kanya. “Ikaw! Ikaw ang problema ko!” Kwinelyohan niya ako at binigyan ulit ng suntok. Muntik nang mahiwalay ang panga ko dahil sa sobrang lakas nito. “Simula nang malaman nila na makakapasok ka sa KA, bigla na lang silang humanga sa ‘yo! Diba bobo ka? Anong ginawa mo bakit ka napasama doon? Wala ka namang utak!” Nagulat ako nang suntukin niya ang ulo ko. Parang nayanig ang utak ko at napunta sa kawalan. Nagdilim ang buong paligid, sa isang iglap ay bigla akong napadilat. “Dapat lang sa ‘yo ‘to!” Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang pagbagal ng kamao niya na papalapit sa akin. Sa hindi malaman na dahilan ay bigla siyang bumagal sa paningin ko kaya agad akong nakakaiwas sa bawat suntok niya. “Arg! Bwiset ka, huwag kang umilag! Lumaban ka!” galit niyang sigaw habang patuloy na sumusuntok. “Sige,” tipid kong sagot. Tumama ang kamao niya sa ‘king palad kasabay ng malakas na pag-ihip ng hangin. Nagulat siya nang agad ko ‘tong hinawakan ng mahigpit. Hinila ko siya at binalibag sa lupa ng walang kahirap-hirap. “Aray!” daing niya habang namimilipit sa sakit. Gulat siyang tumingin sa akin. “P-paano mo ‘y-yon g-ginawa?” nauutal niyang tanong. Gusto niyang bumangon pa pero wala na siyang lakas para gawin ‘to. Parang nabalian ko rin siya. Nanlalaking mata akong tumingin sa kamay ko. “Paano ko ‘yon nagawa?” hindi makapaniwalang tanong ko. Unang beses ko lang naramdaman ang gano’ng klaseng lakas. Nakaramdam ako ng pagkahilo pagkatapos at napahawak sa aking ilong nang mapansin ang likidong tumulo rito. Hindi naman nasuntok ang ilong ko pero nagdurugo ito. “A-ano’ng nangyari?” tulala kong tanong sa sarili ko. “Aray!” Napahawak ako sa ulo ko nang sumakit ulit ito. “Mukhang dapat ko nang ibalik ‘to sa ‘yo.” Napalingon ako sa nagsalita. Bakit nandito pa rin ang lalaki mula sa KA? Binaba ko ang tingin sa gintong envelope na nakalahad sa harapan ko. “Siguradong maraming tanong ang pumapasok sa isip mo ngayon, Waiz. Masasagot ang lahat ng ‘yan kapag sumali ka sa Kaizen Academy,” nakangiti niyang wika.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD