Chapter 22 “Totoo po ba?” hindi makapaniwalang tanong ni King. Seryosong tumango si Ma’am bilang tugon. Hinihintay ko na magsabi siya na biro lang ‘yon pero wala sa personalidad ni Ma’am ang pagiging mapagbiro lalo na kung wala sa timing at lugar. Nakaramdam ako ng kaba habang pumapasok sa isip ko ang sinabi niya. Nakasalalay sa activity na ‘to ang pananatili namin sa Kaizen Academy. “Kailangan dito ng matinding connection, communication, trust at pagkakasundo bilang partners dahil sa bawat isa sa inyo nakasalalay ang pag-stay sa Kaizen,” seryosong saad ni Ma’am. “Ibig sabihin, dalawa ang puwedeng ma-expell kung may isang partner na bumagsak?” tanong ni Win. “Tama ka, kaya kailangan n’yong buhatin ang isa’t isa,” wika ni Ma’am. “Nakakakaba naman,” dinig kong mahinang sabi ni Van