Chapter 20 “A-ako ang nanalo?” gulat na tanong ko. Hindi pa rin ako makapaniwala. Lumingon ako sa direksyon ni Xyrus, bakas sa mukha niya ang pagkabigla at panglulumo. “Ibang klase! ‘Yon na ang pinakamaangas na labang nakita ko!” manghang sabi ni King at nanlalaking mata na tumingin sa ‘kin. “Hindi talaga natin malalaman kung sino’ng mananalo hangga’t hindi pa tapos ang laban,” dagdag niya. “Ang galing mo, Waiz!” natutuwang bati naman ni Vanna na agad akong nilapitan. Masayang-masaya sila sa naging resulta, samantalang wala naman akong ginawa. Hindi ko nga rin natamaan si Xyrus kahit daplis lang. Tanging pag-iwas lang ang nagawa ko. Tapos, dahil lang sa isang bolang iniwasan kong bumagsak ay bigla na akong nanalo. “‘Yon na ang pinakawalang kuwentang laban na nakita ko,” rinig ko