"J-jay?" Hindi makapaniwala si Kim sa nakikitang larawan ng binata sa bahay na iyon. Awang ang labi niyang dahan-dahang dinampot iyon. Tinitigan at naluhang nginitian. Kusang ibinalik kasi ng ala-ala niya ang madamdaming pagpapaalam niya sa binata, ilang buwan na ang nakakalipas doon sa probinsya nila. "H'wag kang mag-alala kapag nakita ulit kita ay mas mamahalin pa kita. Sa ngayon bigyan muna natin ng break ang ating sarili. Hayaan mo munang maghilom ng tuluyan ang puso mo." Napabuga siya ng hangin sa bunganga niya sa sobrang kasiyahan na makita niya ulit ang binata kahit sa larawan lang. Rumagasa ang luha sa mga mata niya. Ito na ba ang ilang buwan niyang hinihingi na sign? Na makita na hindi sinasadya ang binata upang maniwala siya na ito nga ang tinadhana para sa kanya? "Oh, my God
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


