PART 19

1510 Words

"SIR JAY, sorry po pero may nagrereklamo pong guest sa may pool area. Nagwawala po siya at gusto lamang daw niyang makausap ay ang mag-ari ng resort. Kaya pinapatawag na kayo ni Sir Ernest para 'di na lumala pa ang pagwawala ng guest." "Okay, I'll be up there shortly," busangot ang mukha ni Jay na pinindot ang intercom. Ayaw pa niyang lumabas dahil hindi pa siya handa na makaharap ang babaeng kinaiinisan. Panigurado kasing magkakasalubong at magkakasalubong sila oras na lumabas siya. Subalit kailangan niyang labasin ang problema sa labas. Ito ang dahilan bakit ayaw ng Mommy at Daddy niya na walang magbabantay kahit isa lang sa kanilang pamilya rito sa resort nila, dahil may mga demanding talagang guest o customer, na akala mo kung sinong mga special na tao porke't suki na rito sa resort.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD