"STOP clinging to me!" Tinulak ng isang palad ni Jay ang mukha ni Kim. Ang ekspresyon ng mukha niya ay diring-diri, para bang may sakit na nakakahawa ang dalaga kaya pinandidirian niya. "Ay, sorry po, Sir," makulit na saad naman ng dalaga. Nahiya na rin sa ginawa kaya lumayo na konti. Grabe! Nagpadala siya sa kilig! Ano ba 'yan?! Busangot ang mukhang umiling si Jay. Ang sama ng tingin niya kay Kim, kay Kim na pa-peace-sign-peace-sign sa kanya. Sarap kutusan. Ang lakas ng loob na yakapin siya. Napapikit siya ng mabilis at napabuntong-hininga. "Your actions should not be like that when you start pretending. Mabibisto tayo agad niyan, eh. Huwag malandi." "Sorry po, Sir. Nadala lang po. 'Di na mauulit. Nakakilig po kasi na isang katulad mo ang manliligaw sa'kin. Parang dream come true po.

