"DITO pala siya tumutuloy sa resort? Hindi sa bahay nila?" bulong ni Kim habang pinapasadahan niya ng tingin ang kabuoan ng loob ng penthouse. Maliban kasi sa resort ay may rest house pa ang pamilya Novilla sa lugar, na para ng mansyon kung tutuusin sa sobrang laki at lawak ng rest house. Hindi niya first time maglinis dito sa penthouse pero kasi... Ayiee! Siya ang maglilinis ng kalat ng crush niya? Oh, my gosh! Totoo? Kinikilig siya, promise! But wait! Nag-stop din siya agad sa kilig-kilig niyang iyon. Anong kagagahan 'to?! Hindi ba nga't kasasabi lang niya kagabi at kanina na hindi na niya crush ang binata? Dahil may ugali din pala ito na ewan? "Hmmmmp?!" Taas noo na niyang halukipkip ng hanggang kili-kil. "Hindi ako dapat kiligin sa'yo! Ano naman kung dito ka natutulog? Dito ka