The Photographer's Mysterious Capture (Part 2) *** Amina Silvanus. Natapos ang usapan namin ni Mr. Raveira na napapayag niya akong pirmahan ang kontrata. Pauwi na ako at hindi pa rin mag-sink in sa utak ko ang mga nangyari... Napahilamos ako ng mukha. Kinuha ko iyong bag ko at binunot ang phone ko and I absentmindedly called my best friend. Siya lang ang makakapitan ko ngayon at siya lang din ang nakakaalam sa amin ni Caterina. And speaking of, hindi ko alam kung masasabi ko ba kay Caterina ito. Kaya sa best friend ko na muna. I really need a friend right now. Feeling ko hindi ko kinakaya ang intensity ng paghigpit ng puso ko ngayon. Wala pang ilang segundo nang sinagot na ni Winnona ang call ko. "I heard you got the schol