The Sizzling Hot Warrior (Part 2) *** Sarah Lacarte. Umuwi kami sa bahay na hatid-hatid kami ng miyembro ng Lucky 6. And as usual may mga students na nag-aabang. Akala ko sa labas lang merong paparazzi. Meron na rin pala sa loob ng school. Geez. "I'll see you tomorrow for the charity event. Don't forget." paalala ko saka nag-wink kay Sierra bago ako lumabas ng car niya. Sabay-sabay na kaming pumasok ng mga friends ko sa loob ng bahay. At syempre bago kami tuluyang makapasok ay bulgaran pa kaming tinawag ng mga 'manliligaw' namin at nag-flying kiss pa sa amin bago umalis. Ay 'yung apat lang pala ang may 'manliligaw' dahil kaming dalawa ni Amina ay ang 'manliligaw' sa dalawang miyembro ng Lucky 6. Napapailing na lang ako sa sarili kong tuluyan ng