Rock Bottom (Part 1) *** Georgina Belmonte. After the anouncement na engage na ang boyfriend ko kay Jazmine ay hindi ko na napigilan ang sarili kong tumakbo palabas ng Mansion ng mga Sandoval. Hindi ko na kayang manatili sa loob. Feeling ko na su-suffocate ako sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. Gusto kong sumigaw, magwala at malayo sa lahat ng 'to. Kaya tumakbo lang ako nang tumakbo habang lumuluha sa sobrang sakit. Feeling ko any moment sasabog na ako. I love Rocco. So much. But how can he do this to me? How can my parents betrayed me? I thought we're the one who's going to get married after college? All of my dreams are doomed now. All I want is to be with my boyfriend, fix things with him then we can be together again. Gano'n naman kami lagi eh, walang