Enchanted (Part 1) *** Winonna Villaraza. "F*ck! Ang sakit ng ulo ko sh*t!" Natatawang binilisan ko ang pagsangkap sa kape ni Sabrina saka kinuha 'yung isang tablet ng Advil bago pumasok sa nag-iisang kwarto namin dito sa bahay. Lasing na lasing siya kagabi kaya hindi na niya nagawang mag-drive, kaya inuwi ko na lang siya sa bahay namin. Nakangisi akong ngumiti sa mukhang ginerang si Sabrina. "Good morning, Kamahalan.." Inabot ko ang isang tasang kape saka gamot sa kanya. "Oh heto kape at gamot. Para matanggal 'yang hangover mo." Tinanggap naman niya 'yon saka uminom nang onti. Pumunta ako sa cabinet namin at kumuha ng simpleng t-shirt at pantalon para pamalit niya. Hinagis ko sa kanya 'yun. "Oh damit. Pagtapos mo diyan maligo ka. Ang baho mo, amoy alak ka." Sina