Getting Real? *** Haven Raveira. "Hindi mo ba ako ihahatid?" Taas kilay kong tanong kay Amina pagkatapos niyang ilagay ang mga gamit ko sa trunk ng SUV na dala ko. Kakatapos pa lang namin sa isang photoshoot ko for Dior and it's almost midnight already. Wala pa naman siyang dalang car. Baka mapano pa siya sa dadaanan niya. Sinara niya muna ang pinto ng trunk at saka ito humarap sa akin at nginitian ako nang bahagya. "Syempre ihahatid kita sainyo." "Eh paano ka? Wala kang dalang kotse." Saturday na ngayon, at kapag weekends, umuuwi ang ibang students sa kani-kanilang bahay. 'Yung iba naman ay lumalabas ng university para maglibot or what. Usually, kapag weekends walang nag-i-stay sa university. Puwera na lang kung may mag-i-invite ng party or kung kaming Lucky 6 ang m