Rebound (Part 2) *** Princess Ramos. "Pero mas maganda ka," Biglang napatingin ako sa kaniya. Nakangiti na naman siya. At ewan ko pero parang narinig kong kumabog ang dibdib ko sa... kaba? o ano? Hindi ko ma-gets eh... Feeling ko nasa isang romantic movie kami. Nakayakap ako sa waist niya habang siya ay nakayakap sa balikat ko, magkatitigan kami. Siya nakayuko habang nangingiti habang ako ay nakatulala sa kaniya. "Halika picture tayo, honeybabe." Napakurap-kurap ako at napayuko. Ano ba itong nararamdaman ko? Princess wake up. Tarantada ang kasama mo at siguradong pakitang tao lang siya. Kinuha niya 'yung phone niya at tinaas ito saka nag-snap ng picture. "Smile naman diyan, baby girl." I'm sure nagkakamali lang ako ng nararamdaman. I'm still broken hearted with