Hollow (Part 1) *** Winonna Villaraza. Sinuyod ko lahat ng parte ng Mansion nila Kimberly pero wala akong makitang kpop star look-alike sa paligid. Nasaan na kaya si Kamahalan? Nang wala akong makitang Sabrina Castillan sa labas, nag-decide ako na pumasok na lang ulit. At pagpasok ko ay may nakabanggaan akong babaeng umaangos sa galit. I was going to spat at her when I saw who it was. "Princess?" Hinawakan ko ang magkabilaang balikat niya para makita ko siya lalo at nang makita ko ang mga mata niya, sobrang nakaramdam ako ng awa at simpatya sa kanya. She's at the verge of crying... "Nasaan 'yung iba pa nating kaibigan? May sasabihin ako sainyong lahat." Gigil na sabi niya habang nagpaikot-ikot ang tingin sa paligid. "Hindi ko rin alam, simula nang magka-hiwala