PARA sa kanilang unang araw ay tinanghali na ng gising si Piper. Sa pagmulat niya ng mga mata ay wala na sa kaniyang tabi ang asawa, kaya naman dali-dali niya itong hinagilap sa loob ng kanilang napakalaking silid. Naabutan niyang may tinanggap itong food trolley mula sa isang crew ng hotel, pagkatapos ay pumasok ito sa loob tulak-tulak iyon. “Good morning, Honey,” nakangiti nitong bati at humalik sa kaniyang pisngi nang makalapit. “Ano ‘yan?” “Our breakfast” tugon nito kahit na lagpas na sa umaga ang kanilang pagkain. Halos mag-aalas dose na kasi ng tanghali ngunit mag-aalmusal pa lamang sila. Paano ba naman kasi ay talagang napagod sila sa nagdaang gabi. Kahit na ngayong kasal na sila, hindi pa rin nila maiwasan na maramdaman ang pagkasabik para sa isa’t isa, sa pagtatalik man o sa p

