Chapter 29

3302 Words

Nang mag-umpisa nang dumilim ang paligid ay unti-unting nagsi-uwian ang mga tao kaya naman nagpasya sila Astrid na imbitahan si Dr. Liam sa kanilang bahay. Agad naman nitong tinanggap ang kanyang imbitasyon. Sakay ng sasakyan ni Dr. Liam, wala pang mahigit limang minuto nang huminto ang sasakyan sa harap ng bahay nila. Bumaba sila Astrid ng sasakyan. Magkahawak ang kamay na pumasok sina Aillard at Astrid sa loob ng bahay nila habang ang ina at Dr. Liam ay nasa likuran nila, seryosong nag-uusap. “Maupo ka muna, aakyat lang ako sa taas para pakainin si Zuzu,” ani Astrid kay Aillard. Iniwan ni Astrid si Aillard sa may sala kasama ang kanyang ina, na abala sa pag-aasikaso kay Dr. Liam. Nang makarating si Astrid sa silid niya ay naabutan niya si Zuzu na kagat-kagat ang laruan nito. “Zuzu!”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD