Nang matapos ang treatment ni Astrid, sinundo sila ni Aillard. Tila pagod na pagod ang katawan niya pagkatapos ng treatment kahit na natulog lang naman siya buong oras. Kahit sa byahe ay natulog lang din si Astrid. And Aillard let her sleep the whole ride. Nang maramdaman ni Astrid na huminto na ang sasakyan ay idinilat niya ang mga mata. Naunang bumaba ang Mom niya kasama si Mama Linneth. Pababa na sana si Astrid ng buhatin siya ni Aillard. “Let me carry you to your room. I know you are tired from your treatment.” Aillard said. Ikinawit ni Astrid ang braso sa leeg ng lalaki. “I'm heavy.” “You’re not. Kumakain ka pa ba? Bakit ang gaan-gaan mo na? Hmmm… Misis?” Tanong nito sa kanya habang marahan siya nitong tinataas animo tinatantya nito ang bigat niya. Natawa siya. Isinandal ni