Ilang oras lang ang inintay nila Astrid para tuluyang marating nila ang naturang bahay ampunan. Itinuro niya kay Aillard ang maari nitong pag-parking-an ng sasakyan nito dahil may kaliitan lamang ang bahay ampunan. Nang huminto ang sasakyan nito ay pinatay na ni Aillard ang makina ng kotse nito. Tinanggal ni Astrid ang seat belt niya at naghanda na para bumaba. Pababa na sana siya ng pigilan siya ni Aillard. Tiningnan niya si Aillard ng puno ng pagtataka. “Huh?” “Don’t,” he said. Sinundan ng tingin ni Astrid ang binata ng bumaba ito ng sasakyan. Nagtataka siya kung bakit siya nito pinigilan. Wala siyang kaide-ideya kung ano ang binabalak nitong gawin. Umikot ang lalaki at pumunta sa tapat niya. Oh god! He’s going to open the door for me! That’s so sweet. My fiance is so sweet. Binuk