Walang ibang ginawa si Astrid sa loob ng opisina ni Aillard kung hindi ang libangin ang sarili niya sa paglalaro sa laptop ni Aillard. Sa huli ng magsawa siya sa paglalaro ay nagpasya siyang manood na lang sa laptop nito ng movie. Hanggang sa hindi niya napansin na nakatulog na pala siya. “Baby, wake up.” Nagising si Astrid ng maramdaman niyang may tumatapik sa pisngi niya. “Misis, wake up.” Unti-unting idinilat ni Astrid ang mga mata ng marinig niya muli ang boses ni Aillard. Kinusot ni Astrid ang mga mata at saka naghikab. “Ngayon lang natapos ang meeting mo? Kanina ka pa ba dyan?” Inaantok na tanong ni Astrid sa lalaki. At hinawi nito ang buhok niya na humaharang sa mukha niya. “Yes. I’m sorry kung ngayon lang natapos ang meeting ko.” Astrid smiled. “That’s fine. I have a gre