Ilang araw na si Astrid sa ospital at hanggang ngayon ay hindi niya alam kung kailan siya pwedeng lumabas. Gustong-gusto na niyang umuwi at mahiga na lang magdamag sa kama niya kaysa sa ospital bed niya na may nakakabit sa kaniya na kung anu-anong klase ng aparato. She really hates staying in this kind of place. At ngayon nga ay pagod na pagod na ang katawan ni Astrid sa sobrang dami ng test na ginawa sa kanya. Test pa lang ang ginagawa sa kanya dahil hindi pa rin siya pumayag na ituloy ang treatment niya. "Ma'am Astrid, tapos na po lahat ng test na kailangan po. Si Dr. Velasquez na lang po ang pupunta sa inyo para basahin ang resulta," ani sa kanya ng nurse na naka-assign doon. "Salamat," aniya. Ngumiti sa kanya ang nurse, "Walang anuman po, Ma'am Astrid. Trabaho ko po ito kaya tama l