Dinala ni Aillard sina Astrid at Tita Avalon sa mahabang lamesang nasa harapan. Malayo pa lamang sila Astrid, ay agad na silang napansin ng mga tao na nakaupo doon. Kitang-kita niya kung paano nagbubulungan ang mga ito, lalo na nang ipulupot ni Aillard ang braso niya sa bewang ni Astrid. Habang nakaupo si Astrid, sinusundan pa rin ng mga tao ang bawat galaw niya. Bagaman nakakailang, nanatili siyang tahimik sa tabi ng ina at kasintahan. "Aillard, hijo, ito na ba ang kasintahan mo? Aba'y ipakilala mo naman sa amin ang maganda mong kasintahan," tanong ng isang babaeng sa tingin niya ay tiyahin ni Aillard, nakangiti itokay Astrid pati na rin ang dalawa pang katabi niyang babae. "This is Astrid and Tita Avalon—Astrid’s mother," ani Aillard sa tatlo. "Astrid, Tita Avalon, meet my aunts: Aun