Nakapangalumbaba na pinagmasdan ni Astrid ang buong paligid mula sa veranda ng silid ni Aillard. It's been one week since they decided to stay in Federici's mansion. Yes, the Federici's invited her again to stay in their house for half of the month. "Hey, here's your breakfast." Sa lalim ng iniisip ni Astrid ay hindi niya napansin na nakabalik na pala ang lalaki. Ibinaba nito ang tray na puno ng pagkain. Agad siyang natakam ng nanuot sa ilong niya ang mabangong aroma ng pagkain. Aillard prepared for her breakfast, Vegetable Omelet, Filipino Tapsilog, Muesli, and Yogurt, for juice, she had lemon squash, and of course hindi pwede mawala ang side dish niya, ang favorite niya na pancake with honey and yogurt. Parang isang tala ang mga mata ni Astrid na nagniningning dahil sa dami ng pagkai