CARSON NAABUTAN kong palakad-lakad si Connor sa may paanan ng kama nang lumabas ako mula sa banyo. Nakatupi ang isang braso nito sa kaniyang dibdib habang ang kaniyang kamay ay nakahawak sa kaniyang baba na tila ba kay lalim ng kaniyang iniisip. Ilang minuto na akong nakatayo roon at pinapanood ito habang tila tulirong palakad-lakad doon. Tumikhim ako upang kunin ang atensyon nito. Mukhang seryoso talaga ito sa kung anuman ang tumatakbo sa kaniyang isip dahil parang hindi man lang nito napansin ang paglabas ko mula sa banyo. Agad itong napalingon nang marinig niya ang pagtikhim ko. "So, what's up?" kunwa'y patay-malisya kong tanong dito. "I don't know how much did you hear a while ago but I want to—" "I hear everything," maagap kong putol sa kaniya. "But if you're here to explain, yo