CARSON NAGISING ako dahil sa marahang haplos sa aking pisngi. Agad ding nanunuot sa aking ilong ang pamilyar na panlalaking pabango. Unang beses ko pa lamang naamoy iyon ay alam ko na agad kung sino ang nagmamay-ari noon. Dahan-dahan kong idinilat ang aking mga mata. Bumungad sa akin ang guwapong mukha ni Connor. Agad kong nabakas ang lungkot sa kaniyang mga mukha. "You're not planning on castrating me, are you?" pabirong turan nito nang mapadako ang kaniyang tingin sa hawak kong libro. Ngunit ang ngiti nito ay hindi umaabot sa mata. Bakas pa rin ang mabigat nitong dinadala na marahil ay dulot nang pagtatalo namin kanina. "I'm actually considering it," ganting biro ko saka mahinang tumawa. Ngunit ang ngiti sa kaniyang mga labi ay agad ding naglaho. Muling nanumbalik ang lungko sa kani