CARSON HANGGANG sa makarating kami sa hotel kung saan kami mananatili sa loob ng ilang araw ay hindi pa rin ibinabalik ni Connor sa akin ang aking mga gamit. Kahit anong agaw ko rito ay hindi niya iyon binibitawan. Sa huli ay sumuko na rin ako at hinayaan itong dalhin iyon hanggang sa lobby ng hotel. Nang makapasok ako sa lobby ay agad kong natanaw si Connor habang nakatayo sa harap ng reception. Nakatukod ang kaniyang braso sa ibabaw ng reception table habang nakatingin sa akin. Pinilit kong huwag itong pansinin at diretso ang tinging naglakad papalapit sa reception. “Caroline Sonnet Legazpi,” pakilala ko sa receptionist upang mahanap nito ang aking room accomodation. “For a while, ma'am.“ “The place is so beautiful. Pero bakit parang sambakol 'yang mukha mo?“ tanong niya habang nak