CARSON TANGHALI na nang makarating kami sa opisina. Kumain muna kami sa labas bago nagtungo roon. Nais sana ni Connor na umuwi na lamang kami at magpahinga dahil sa lakad namin kanina. Ngunit nagpumilit akong pumasok sa opisina upang tapusin ang mga dapat gawin. I think that's the least I can do for him for helping me. Ramdam ko ang pagod at bigat ng mga bagong impormasyong nakalap ko mula sa matanda. Bagama't iilan lang ang mga tanong na nabigyan ng kasagutan, mabuti pa rin iyon kaysa patuloy kaming maglakad sa dilim na hindi alam kung anong susunod na mangyayari. Kahit papaano ay naging malinaw sa akin ang ugnayan namin ni Avery. Mahirap man paniwalaan ang sinasabi ng matanda tungkol sa kambal ng kahapon, wala rin akong ibang maisip na mas lohikal na paliwanag sa mga nangyari. "Let m