CARSON KATULAD nang inaasahan, ilang linggo lamang matapos lumabas ang balita tungkol sa pag-take over ng Sandejas Constructions sa isa sa pinakamalaking kliyente ng Prime Constructions. At gaya nga nang nauna naming plano, agad kaming kumilos upang isa-isang kausapin ang mga shareholders upang bilhin ang kanilang shares sa Prime Constructions and Development Corporation. Hindi naman iyon naging mahirap para sa amin ni Connor dahil unti-unti na ring nawawalan ng tiwala ang mga shareholders sa pamumuno ni Emmet. Isang malaking dagok sa kanila ang pagkawala ng Dubai project na itinuturing nilang proyekto na siyang mag-aangat sa kanila sa pedestal sa larangan ng constructions and development. Bago pa matapos ang buwang iyon ay pagmamay-ari na ni Connor ang halos forty percent shares ng Pri