CARSON KINAHAPUNAN ay nakita kong bakante na ang kuwartong dating inuukopa ni Connor. Mukhang umuwi na ito matapos ang naging pag-uusap namin kaninang umaga. Bagama't nakakaramdam ako ng lungkot sa mga oras na iyon ay ayos na rin sa akin. Marahil ay pinili na lamang nitong umalis upang ibigay sa akin ang panahong hinihingi ko sa kaniya. Mabigat ang loob akong pumasok sa aking kuwarto. Ngunit laking gulat ko pa nang matagpuang puno iyon nang bulalak. Sa gitna nang kama ay may isang malaking bungkos ng bulaklak ang nakapatong doon. May maliit na card na nakapatong sa ibabaw ng naggagandahang bulaklak. Agad kong kinuha iyon at binasa ang nakasulat sa loob. I had an emergency meeting to attend to. That's why I need to go back. I'll wait for you here when you get back. I love you. I'll see