CARSON NAALIMPUNGATAN ako dahil sa ingay mula sa kusina. The place was filled with the aroma of a freshly grind coffee beans. Marahan kong idinilat ang aking mga mata. Una kong nasilayan ay ang malapad na likod ni Connor habang abala ito sa kusina. Bukod sa amoy ng kape ay nalalanghap ko rin ang amoy nang sinangag na kanin, pritong itlog, at hotdog. Inangat ko ang aking ulo at sinilip ang orasan na nakadikit sa dingding. Kinusot-kusot ko muna ang aking mata upang mas malinaw iyong makita. Bahagya akong nagtaka nang makita kong mag-aalas singko pa lamang nang umaga. Hindi ko na maalala kung anong oras na ako nakatulog kagabi pero sigurado akong lampas alas dose na iyon. Kaya hindi na nakakapagtaka kung bakit inaantok pa rin ako. "Did I wake you up?" Narinig kong tanong nito. Nag-ina