CARSON TILA wala ako sa sarili nang pumasok sa opisina. Hindi ko pa rin maalis sa isip ko ang mga sinabi ni Kira. Nagtatalo pa rin ang isip at puso ko kung dapat ko na nga bang pag-aralang kalimutan si Connor. Sinubukan ko naman noong una ngunit talaga atang matimbang ang nararamdaman ko para sa kaniya. But given the circumtances now, I think I should try harder this time. Maybe, the time for sulking is over, and it's time to finally move on. Sapat na siguro ang kulang-kulang dalawang taon na pagluluksa ko sa aking sugatang puso. Inabala ko na lamang ang aking sarili sa trabaho nang makapaupo ako sa harap ng aking lamesa. Hindi ko na halos namalayan ang oras dahil sa dami ng hinarap kong trabaho. Napahinto lamang ako sa pagbabasa ng mga papeles nang makarinig ako nang mahinang katok mula