bc

HEARTLESS BILLIONAIRE'S SON

book_age18+
49
FOLLOW
1K
READ
billionaire
dark
HE
fated
arrogant
mafia
heir/heiress
tragedy
bxg
serious
bold
war
musclebear
surrender
addiction
like
intro-logo
Blurb

Sinasabi nila…

Maswerte raw ako, sapagkat anak ako ng pinakamakapangyarihang pamilya sa bansa...

Mayaman, protektado at lumaking nasa piling ng mga magulang na handang ibigay sa akin ang lahat.

Ngunit walang nakakaalam… kung gaano kabigat dalhin ang apelyidong Montemayor.

Lalo pa at ang ama ko ay si Matias Montemayor.

Ang lalaking minsang kinatakutan ng buong underground world.

At ang babaeng pinakamamahal niya… Si Gladerious.

Lumaki akong nakikita kung paano magmahal ang Daddy ko.

Kung paano niya tingnan si Mommy na para bang ito lang ang mundo niya.

At bilang anak nila… akala ko madali lang ang magmahal.

Akala ko sapat na ang pagiging totoo.

Akala ko kapag mahal mo ang isang tao… hindi mo ito masasaktan.

Ngunit mali pala ako.

Dahil dumating ang araw na ako mismo ang magiging dahilan ng pagluha ng babaeng pinakamamahal ko.

At kagaya ni Daddy noon…

Unti-unti rin akong nilamon ng galit.

Ng kapangyarihan.

At ng mundong matagal nang gustong iwan ng pamilya namin.

Hanggang sa dumating siya.

Ang babaeng hindi ko dapat mahalin.

Ang babaeng may koneksyon sa pinakamadilim na nakaraan ng angkan Montemayor.

At ang babaeng sisira sa lahat ng ipinangako ko sa sarili ko.

Ako si Matias Montemayor II.

Nag-iisang anak ng dating tinaguriang;

Heartless, Arrogant and Devil Billionaire.

At ito ang kwento kung paano ako tuluyang naging katulad ng ama ko...

Isang lalaking handang sirain ang buong mundo para lang sa babaeng mahal niya.

chap-preview
Free preview
Episode 1
Matias ll POV. “Master Matias ll…” Hindi ko agad nilingon kung sino ang tumawag sa akin. Tahimik lang akong nakatayo sa gilid ng glass window ng Montemayor Oil Company habang pinagmamasdan ang dumadaloy na tubig. Patuloy pa rin ang ulan at sigurado meron na naman aksidente. Alas-onse na ng gabi. Ngunit buhay na buhay pa rin ang buong business district. Kagaya ko, heto at naririto pa rin sa trabaho. Ganun pa man hindi ako mapalagay, at kapag ganito nararamdaman ko meron na naman mangyayari na labag sa kagustuhan ko. “Master Matias ll,” muli niyang tawag. “Narito na po ang mga files para sa Singapore project.” Bahagya akong napapikit bago tuluyang humarap. Nakita kong agad yumuko ang assistant ko nang magtama ang mga mata namin. Naroon ang takot sa mukha niya at sanay na ako sa ganyang tingin. At iyon din ang tingin ng mga tao noon kay Daddy. Ang nakakatawa dahil habang tumatagal… mas lalo akong nagiging katulad niya. “Ilapag mo na lang dyan sa ibabaw ng desk,” malamig kong utos. “Y-Yes, sir.” Mabilis nitong inilapag ang folder sa ibabaw ng table bago halos nagmamadaling lumabas ng opisina. Muling tumahimik ang paligid… na matagal ko nang nakasanayan..............

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Unscentable

read
1.9M
bc

He's an Alpha: She doesn't Care

read
721.6K
bc

Claimed by the Biker Giant

read
1.5M
bc

Holiday Hockey Tale: The Icebreaker's Impasse

read
958.6K
bc

A Warrior's Second Chance

read
346.7K
bc

Not just, the Beta

read
342.2K
bc

The Broken Wolf

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook