"NICE ONE, Borromeo." Narinig ni Liam na pumalakpak ng mahina si Yngrid pagkatapos umalis nila Brad. "Teka, alam mong mangyayari to?" Bulong niya dito. "Uhmm.. Nope, pero may idea na ako kahit papaano. I just didn't know na aabot si Borromeo sa extent na to." Ganting bulong nito sa kanya. "Lika na nga! May ipapakilala pa ako sayo diba?" Hinatak siya ni Yngrid papunta sa isang table na may nakaupong tatlong lalaki. "Tatay, Yto, Kuya Yvo. Si Liam Marcus Guevarra, Boss ko. Liam, si Tatay saka yung mga Kuya ko." Tumayo yung itinuro ni Yngrid na Yvo. "Yvo Dela Merced." Inilahad nito yung kamay niya na malugod namang tinanggap ni Liam. "Liam Marcus Guevara Pare." Kinunutan siya nito ng noo kasabay ng paghigpit ng hawak nito sa kamay niya. "Wag mo akong tawaging pare. Hindi tayo magkumpar