"AYOKONG magpunta. Wala naman si Yngrid dun eh." "Namputcha naman, Liam! Bakit mo naman kakailangan si Yngrid dun?! Ano ka sanggol? Kailangang pasusuin ng ina kaya dapat laging mag kasama?" "Gago!" Binatukan niya si Brad. Tarantadong 'yun. Nangungulila na nga siya kay Yngrid.. Dalawang araw na kaseng naka leave eh. "Birthday ni Lorenzo Fuentes yon! Business Magnate ng Cebu! Kailangan ma-close ko na yung deal dun! Sige na naman Papi! Ibibigay ko sayo yung McLaren ko pag na close ko yung deal." "Ano bang mapapala mo sa deal na yan at pati ang pinaka mamahal mong McLaren eh ipamimigay mo?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Liam.'Ni ayaw nga nitong ipahawak sa kanila yung McLaren nito tapos ibibigay lang sa kanya? "More than what my heart's desire Papi!" Brad tap his shoulder saka ngumiti.