NAKAKATUWANG pagmasdan si Yngrid habang palinga-linga itong naglalakad. Para siyang magnanakaw sa ginagawa niya. Nauuna pa itong maglakad sa kanya na akala ko naman kabisado nito ang lugar na 'yun. "Yngrid.." Tawag niya dito nung lumiko ang babae. Humarap ito sa kanya na nakataas ang kilay. "Ano Liam? Nagugutom na ako." Tumalikod na ulit ito at naglakad palayo. "Red.." "Eh! ano ba?!" Galit na nga ito ng lagay na 'yun, nakakaakit pa din itong tignan. Pasalamat siya, gutom din si Liam! "San ka ba kase pupunta?" Naka cross arms na tanong niya habang nakasandal sa may hamba. Ilang beses napalunok si Yngrid habang naglalakbay ang tingin nito sa katawan niya. "Ehem.." Inagaw niya na yung atensyon ng dalaga. Nalaglag din ang kamay nito sa bewang niya. Ilang beses pa itong napalunok ulit ba