Liam's POV I WAS pacing back and forth. Tangina! Ngayon lang ako kinabahan ng ganito sa tanang buhay ko. Daig ko pa yung manganganak eh. "Liam pwede bang huminto ka?! Nakakahilo na yang ginagawa mo eh." Iritableng sabi ni Brad habang pinaghehele si Jaime. "Bat kase ang tagal nila? limang minuto na silang late!" Ginulo ko yung buhok ko sa sobrang frustration. "Limang minuto pa lang silang late Papi. Nagawa mo ngang hintayin si Yngrid ng isang taon e. Nakaka abnoy naman kase yung trip mo, pwede mo namang tanungin si Yngrid ng maayos, ang dami mo pang palabas. May pa-kidnap-kidnap ka pang nalalaman!" "Paano kung hindi pumayag si Yngrid? aist!!" "Paano mo malalaman e hindi mo naman sinubukan." Natatawang sabi ni Brad sa akin. Pasalamat siya, karga niya si Jaime kundi, nasapak ko na siya