SAMPUNG araw na ang nakakalipas mula nang umamin si Liam na mahal niya si Yngrid. Ganung katagal na din siyang masaya. Ganun katagal na rin niyang inamin sa sarili niya na mahal niya din ang binata. At ngayong gabi, balak niya nang sabihin yun sa kanya. She asked him to come at her place at duon na lang mag dinner. She said, she's too lazy to go out when the truth is, naghanda siya sa condo. She even asked Nanay Maring about Liam's favorite food at pinag aralan niya talagang lutuin 'yun. With candlelights and flowers. Pinuno niya ng rose petals yung daan mula sa pinto hanggang sa kwarto niya. Sa gitna ng kama ay madami ding rose petals. Amoy na din yung jasmine scented candles na inilagay niya sa buong kwarto. Medyo dim light din kaya mas romantic yung ambiance. Kinakabahan siya. Paano ku