"Kayo po ba ang asawa ng pasyente?" Tanong sa kanya nung doctor na tumingin kay Louie. "No doc. I'm just.. I'm just a friend." "Louie!" Humahangos si Celine palapit sa receptionist ng hospital na agad namang itinuro ang direksyon ng emergency room. Naagaw nito yung pansin nung doctor. "Excuse me ma'am. Kamag anak po sila ng payente? " Nagtago si Yngrid sa may gilid habang pinakikinggan yung pag uusap nung Duktor at ni Celine. "I'm his wife, Doc. Kamusta po siya?" Ramdam ni Yngrid yung takot na nararamdaman ni Celine nung mga oras na 'yun. Pareho naman sila e. Pareho silang natatakot ng mga oras na iyon. "Stable naman na ang pasyente but he's still in coma. I'm sorry but he suffered a head injury. May tumusok din na tubo sa tiyan nya, but the good thing is wala namang tinamaang vital o