Agad na natauhan si Saia nang marinig ang boses na iyon. Mabilis siyang lumingon at ganoon na lamang ang panlalaki ng kanyang mga mata nang makita ang buong Lights Out na nakatingin sa kanila ni Duke. Her heart thumped irregularly. Hindi siya nakagalaw sa kanyang kinalalagyan. Nanlalaking matang nilapitan siya nina Maena at Kiarra. "Omg, what happened?!" bulalas ni Maena at agad na binalingan si Duke. "Anong ginagawa mo, Duke?" tanong ni Phil. Agad na sumama ang timpla ng mukha ni Duke. "Ako? Iyang babaeng iyan ang pabibo!" singhal nito kay Saia. Agad na nangunot ang noo ni Saia. "Hindi ako pabibo!" "Tss. Really now?" "Ano ba! Tama na nga!" Pumagitna si Kiarra sa kanila. Agad siyang nag-iwas ng tingin. Ramdam na ramdam ni Saia ang mga titig ng mga kasama niya. Napatingin pa s