"Sai, okay ka lang ba talaga?" Bahagyang napatalon si Saia nang maramdaman niyang may humawak sa kanyang balikat. Nilingon niya iyon at bumungad sa kanya ang nakakunot - noong si Courtney. "H-Ha?" wala sa sariling tanong niya. Mas lalong nangunot ang noo ng kaibigan. Bumuntong-hininga si Ericka at tumabi sa kanya. "Ang sabi niya kung okay ka lang daw? Tulala ka, kanina pa. Actually, parang napansin ko rin nitong mga nakaraang araw ay palagi ka na lang nag-si space out. Anong problema, Sai?" Halos hindi siya makahinga habang pinapakinggan si Ericka. Mariin siyang napalunok at agad na nag-iwas ng tingin. Mabilis siyang naglakad sa may couch na malapit sa may pinto. Nasa lounge sila ng building at naghihintay ng lessons nila. May meeting pa raw kasi ang Lights Out kaya hindi pa