Tulala si Saia nang umalis sila ng ANH building. Panay pa ang tanong nina Courtney at Ericka sa kanya pero walang nakuhang sagot ang dalawa. Hanggang sa makauwi sila ay dumiretso siya sa kanyang kwarto. Ni hindi siya kumain ng dinner kasama sina Courtney. Nagmukmok lang siya sa kwarto niya. Naipikit niya ang kanyang mga mata tsaka tumihaya. 'Jusko naman, Saia! Anong ginawa mo?! Paano ka na ngayon niyan?!' Hindi na niya alam ang gagawin. Kung noong wala nga silang kibuan ay sobrang awkward na nila, paano na ngayon?! 'Ano ba naman kasing pumasok sa kokote mo at humalik ka rin! Bakit hindi mo itinulak!' Halos sabunutan niya ang kanyang sarili nang maalala na naman ang nangyari kanina. Hinalikan siya ni Duke at humalik din siya pabalik! "Ugh!" Naisigaw na lang niya bago ibinaon ang