SOBRANG naawa si Keandrix kay Georgia sa lahat ng ikinuwento sa kanya nina Kyle at Kristoff. Andami pa lang pinagdaanan ni Georgia na mahirap at maaaring makasama sa kalagayan nito bago tuluyang nakatakas sa hospital. Mabuti na lamang at naisipan ni Georgia na dumiretso ng San Francisco pagkatapos nitong makaalis aa hospital. At sobra ring nagpapasalamat si Keandrix sa dalawa niyang kapatid na nagplano nang lahat upang maitakas nila si Georgia. At sobra ring pinasasalamatan ng binata ang taong matapang na tumulong kay Georgia sa hospital upang makalabas ito roon. Maging ang lahat ng mga taong tumulong kay Georgia na makatakas hanggang sa pagkarating nito sa San Francisco. Ginising kasi siya ng kanyang Kuya Kyle at sabing gusto siyang makausap ng kanilang Mommy. Na nawala sa isipan ni Keand