KAGAYA ng pangako ni Keandrix ay ipinasyal niya si Georgia kinagabihan. Nagpunta lang naman sila sa wishing river malapit sa residence ng binata. At doon maraming mga tao ang siyang nagsindi sa kani-kanilang mga maliliit na bangka at ipinaanod ang mga iyon. Na may mga kasamang let go notes o mga hinanakit na iyong nararamdaman ay pinapalaya mo na at tuluyan nang kakalimutan. Tuluyan mo nang ibaon sa limot at hindi na kailanman maaalala o babalikan kahit man lang sa iyong isipan. Marami ang nagsasabing epektibo raw iyon sa taong sobrang nasaktan lalo na sa ngalan ng pag-ibig. Sa pagpapaanod mo ng iyong candle boat ay kasama na ang iyong mga dalahing maaanod. "Ang ganda rito! Ano ang mga iyan?" bulalas ni Georgia na manghang- mangha. "Hindi mo ba alam?" sagot ng binata. "I mean, nakapanoo