"Totoo? Na- comatose ka ng ilang buwan?" hindi makapaniwalang sabi ni Maxine. "Oo! Nabangga ako ni Keandrix, tapos pinuntahan niya si Nicholai para tanungin kung kilala niya ako. Iyon 'yong time na dadalhin ako ni Keandrix sa abroad upang mas mapabilis ang aking paggaling. Si Nicholai ay ipinagkaila niya ako, hindi niya sinabing may ugnayan kaming dalawa. Bagkus ay isang masamang empleyado ng kanilang kumpanya ang kanyang sinabi kay Keandrix." Saad ni Georgia. "Oh my gosh! Napakasama talaga ang ugali ni Nicholai. Kaya nga ako nag- resign kasi mas dumoble pa ang kasamaan ng naging asawa nito. Sakto namang hiring dito at nakapasok ako sa tulong ng isang friend ko si Shane." Sagot ni Maxine. Napangiti naman si Georgia. "Ang bait ni Keandrix sobra! Hindi ako makakabayad sa kanya ng utang n