C-27: Sumbatan ng bawat- isa

1421 Words

HINDI alam ni Georgia kung matatawa siya o maaawa kay Nicholai. Dahil kung magbabase lang siya sa mga kwento ni Aling Helen ay paniguradong maaawa ang sinumang makikinig. Subalit kung magbabase naman siya sa mga ugali at ginawa ni Nicholai sa nakaraan ay panigurado namang kamumuhian mo siya. "Sobra siyang nagsisisi Georgia, sa mga nagawa niya. Minsan umuuwi siyang lasing at tinatawag ang pangalan mo habang umiiyak na nakahandusay sa sahig." Wika ni Aling Helen. Napakurap-kurap naman si Georgia pero umiling-iling din ito kinalaunan. "Gusto kong maniwala sa mga sinasabi niyo Aling Helen. Pero saksi rin kayo kung anong relasyon mayroon kami ni Nicholai. Naroon kayo sa tuwing kami ay hindi okay alam ko po iyon. Kaya naman hindi niyo siguro ako masisisi kung hindi ako naniniwala sa pagbabago

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD