SI Keandrix na ang naging partner ulit ni Georgia sa last session nitong walk therapy. Nakailang lakad si Georgia habang sinusundan ang hawak ni Keandrix na lubid upang kanyang abutin. Meron pang ibang bagay na hawak ni Keandrix at kailangang makuha iyon ng dalaga while walking. Hahabulin niya iyon but not to run kundi lalakad lamang ito hangga't kaya niya. Medyo hiningal si Georgia sa kanilang ginawa at nangatog pa ang isang binti nitong may injured. Kung kaya't kagyat itong natigil at napakurap-kurap. "Are you okay? Kaya mo pa ba?" nag-aalalang tanong ni Keandrix na tumigil na rin. "It's okay, kaya ko pa naman! Saka, medyo hiningal lang ako kasi mas maraming laps ngayon ang aking nilakad." Sagot ng dalaga. Nakahinga naman nang maluwag si Keandrix. "Wala bang makirot sa injured leg mo